Kabanata 22: Liwananag at Dilim
Tauhan Maria Clara - Pangunahing babae sa kabanata. Dumating siya sa San Diego at ipinakita ang kanyang kagandahan at kabaitan. Siya ang nagsabi na huwag isama si Padre Salvi sa kanilang lakad. Tiya Isabel - Kasama ni Maria Clara pagdating sa San Diego. Siya ang nagbantay kay Maria Clara. Crisóstomo Ibarra - kasintahan ni María Clara. Siya ang nagyaya ng piknik at kinausap si Padre Salvi sa pagsama nito. Padre Salvi - Gustong sumama sa piknik. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang tingin niya kay Maria Clara. Pangunahing Suliranin Ang pangunahing suliranin sa kabanatang ito ay ang pakikialam ni Padre Salvi sa buhay nina Maria Clara at Ibarra. Hindi nais ni Maria Clara na makasama ang kura sa kanilang pamamasyal dahil napapansin niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Dahil dito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Ibarra. Naging sagabal din si Padre Salvi sa kanilang pag-uusap nang siya ay dumating. Buod Dumating sina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego par...