Kabanata 21: Pagdurusa ni Sisa

kabanata 21: 

Pagdurusa ni sisa

(gawa ni: Andrea cordero)



Mga Tauhan





Sisa


Ina nina Basilio at Crispin

Unting-unting nawawala na ang kanyang sarili dahil sa kanyang matinding pagaalala sa mga anak na pinagbintangan na nagnakaw

Dumaan sa pagdurusa at napunta ito sa kahiyaan, pagwala ng dignidad at masakit sa damdamin. 




Pangunahing suliranin

Ang paunahing suliranin matatagpuan sa kabanata nito ay ang pagkakaroon ng hindi pantay na hustisya, pang-aabuso, at kahihiyan.. Ipinapakita rito ang pagdurusa ni Sisa dahil sa mga nadinig niya tungkol kela Basilio at Crispin—na hindi naman itong totoo nangyari—pinagbintangan lamang sila. Kahit man sinubukan ni Sisa na magpakiusap sa mga gwardyang sibil, sila’y nagpanggap bingi-bingihan at inabuso nila si Sisa at pinapahiya siya sa mga ibang tao.

Buod ng pangyayari


Kumaripas ang takbo ni Sisa matapos pakinggan ang mga sinabi ng isang kusinero tungkol sa kanyang anak na pinagbintangan na nagnakaw (Basilio at Crispin)

Naglalakad si Sisa na mayroong matinding pagaalala sa kanyang anak, iniisip niya paano sila'y ililigtas kung sakali huliin sila ng gwardyang sibil. 

Nang palapit na si Sisa sa kanyang tahanan, nakasalubong nya ang gwardya sibil at hinuli si Sisa. Kinaladkad siya papunta sa kwartel at matapos ang misa ng kura maraming tao ang nakakita sa kanya ngunit nanood lamang. 

Utos ng alperes na pagdating ng tanghali, maaring makauwi na kaagad si Sisa upang hanapin ang kanyang anak. 

Nang dumating na si Sisa sa kanyang tahanan, hindi niya nakikita ang kanyang anak—ni isang anino, wala. Hanggang sa nakita niya ang damit ni Basilio, punit-punit at duguan. At sa huli, nasa kalsada na si Sisa sinisigaw pa rin ang pangalan ng kanyang mga anak.


SDg at repleksyon

Ang SDG o Sustainable Development Goal na maaring maiugnay sa kabanata na ito ay ang SDG 16: Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon. [Peace, Justice, and Strong Institution.] 

pinapakita rito ang pagdurusa ng isang nanay dahil sa isang krimen na hindi naman talaga ginawa ng kanyang mga anak. Mahalaga rito na magkaroon ng pantay-pantay na hustisya sa mga tao, bigyan muna ng oportunidad na magpaliwanag ang isang tao bago ito idaan sa anumang parusa upang maiwasan masaktan ang mga inosenteng mamamayan.










Comments

Popular posts from this blog

Kabanata 24: Sa Gubat

Noli Me Tangere: Mga Talasalitaan

Kabanata 22: Liwananag at Dilim