Kabanata 22: Liwananag at Dilim
Maria Clara - Pangunahing babae sa kabanata. Dumating siya sa San Diego at ipinakita ang kanyang kagandahan at kabaitan. Siya ang nagsabi na huwag isama si Padre Salvi sa kanilang lakad.
Ang pangunahing suliranin sa kabanatang ito ay ang pakikialam ni Padre Salvi sa buhay nina Maria Clara at Ibarra. Hindi nais ni Maria Clara na makasama ang kura sa kanilang pamamasyal dahil napapansin niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Dahil dito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Ibarra. Naging sagabal din si Padre Salvi sa kanilang pag-uusap nang siya ay dumating.
(Gender Equality)
Sa mga pangyayari ng kabanata nito, ang SDG 5 ay ang nararapat na SDG para dito dahil makikita na hinding-komportable si Maria Clara dahil sa pakikialam ni Padre Salvi sa buhay ni Maria Clara at ni Ibarra at sa kanyang kakaibang pagtingin na ibinibigay sa kanya. Ipinapakita rito ang pag kulang sa paggalang sa damdamin at respeto. Sa SDG 5, mahalaga na dapat bigyan ng respeto ang mga kababaihan at ang kanilang mga desisyon.
Comments
Post a Comment