Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo

Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo






Mga Tauhan: 



  • Crisostomo

Tumungo siya sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng suhestiyon para sa kanyang pinapalanong pagtatayuan na paaralan.

Ngunit, ang mga ibinigay sakanya ay hindi niya gusto o hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari. 




  • Pilosopo Tasyo 

Siya’y nagsusulat ng mga simbolo na nagmukha siyang baliw kay Crisostomo. Noong nasabi sa kaniya ang tanong,

nagbigay siya ng mga suhestiyon at payo, tulad ng pagkonsulta sa kura, alkalde, at lahat ng may mga katungkulan. 




Pangunahing Suliranin:

Ang nais gawin ni Crisostomo ay humingi ng payo at suhestiyon kay Pilosopo. Ngunit, ang iba ay hindi niya gusto habang ang iba ay mahirap at malabo mangyari. Sa simula, si Pilosopo Tasyo ay mukhang matino at matalinong tao dahil sa kanyang pag-iisip para sa darating na henerasyon gamit ang mga simbolo. Sa ibinigay ni Tasyo, maaring hindi magtagumpay ang plano ngunit gagawin niya parin para sa kanyang pangarap upang patunayan na hindi totoo ang kasabihan ng Gulong ng Kapalaran.



Buod:

  • Nagtungo si Ibarra kay Pilosopo Tasyo upang humingi ng suhestiyon sa kanyang planong paaralan. Nakita niyang nagsusulat si Tasyo gamit ang simbolong mahirap maunawaan, na ipinaliwanag niyang para sa mga susunod na henerasyon ito at upang hindi masunog ng mga awtoridad.
  • Ipinayo ni Tasyo na kumonsulta si Ibarra sa mga may kapangyarihan ngunit binigyang-diin na ang mga plano nito ay mangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan, na kontrolado ng simbahan. Sinuway ni Ibarra ang pananaw ni Tasyo na dapat siyang yumuko sa mga makapangyarihan, dahil iba ang kanyang kinalakihan at pananaw.
  • Inalam niya ang halaga ng payo ni Tasyo, ngunit nananatili siyang may pag-asa sa kanyang mga pangarap, kahit hindi siya sigurado sa tagumpay nito.



Layunin para sa Napapanatiling Kaunlaran: #16 - Kapayapaan, Katurungan, at Matatag na mga Institusyon:
Maiugnay ang kabanatang ito sa SDG 16 dahil sa nangyari, kailangan ng tulong ni Crisostomo ngunit ang iilan ay hindi makakatulong para sa kanyang pangarap. Sa mga ibinnangit na binigay tulad ng kura, alkalde at gobyerno, hindi tiyak na possibleng mangyari ang kanyang pangarap sa kabila ng mga koneksyon. Upang umunlad and kanilang bayan, kailangan ng pagtulungan at pakikiisa para sa kabutihan ng lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Kabanata 24: Sa Gubat

Noli Me Tangere: Mga Talasalitaan

Kabanata 22: Liwananag at Dilim