Kabanata 23: Piknik
kabanata 23:
PIKNIK
(GAWA NI: Andrea cordero)
MGA tauhan
✧Kasintahan ni Maria Clara
✧Tumulong si Crisostomo kay Elias sa pamamagitan ng pagkuha ng punyal at sandaling ito lumundag sa tubig noong hirap harapin ni Elias ang buwaya.
✧ Si Elias ang nagsisilbing piloto ng bangka upang maayos ang kanilang paglalakbay sa ilog. Bukod pa iyon, si Elias ay tumalon sa ilog upang harapin ang buwaya na papunta sa bangka nila ngunit higit mas malakas ang buwaya kaysa kay Elias
✧Habang sila’y nagiintay ng mga hinandang pagkain, si Maria Clara ay tinugtog ang kaniyang instrumento at siya’y umawit upang maliwin ang kanyang mga kaibigan.
✧Kasama sina Itay, Neneng, Sinang, Victoria na sila'y ang mga matalik na kaibigan ni Maria Clara na naging kasama niya sa bangka na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
pangunahing suliranin
✧Ang paunahing suliraning hinarap ng mga tauhan sa kabanata na ito ay pangingistorbo ng buwaya sa kanilang pangingisda nina Elias at Crisostomo. Sa kabanata na ito, ipanapakita ang panganib hinarap ni Elias na siya’y tumalon sa ilog para harapin ang buwaya upang lumitaw na ito at matuloy ang kanilang Piknik. Dumaan nang pagkahirap sa pag harap ng buwaya ngunit mabuti naman mayroong tumulong sa kanya na sina Crisostomo at isang anak ng mangingisda.
Buod ng pangyayari
✧Natuloy ang planong piknik pinaguusapan nina Maria Clara at Ibarra. Sa ilog, mayroong dalawang bangka—hiwalay ang mga kalalakihan at mga kababaihan
✧Sa isang bangka magkakasama sina Maria Clara, Iday, Neneng, Sinang at Victoria. Habang ang kabilang bangka naman ay sina Elias at Ibarra—na mayroong butas sa kanilang bangka.
✧Napilitang sila magsama sa isang bangka, gayunpaman nagsilbing bilang piloto si Elias, habang si Maria Clara kumuha ng instrumento at umawit.
✧Nagpaalam ang isang mangingisda na mayroong buwaya sa ilog nangunugha sa kanyang mga isda at maging maingat para hindi matakot ang mga babae.
✧Dahil doon, hinarap ni Elias ang buwaya ngunit, higit pa mas malakas—kaya tumulong ito si Crisostomo sa pamamagitan ng pagkuha ng punyal at tumalon rin sa tubig. Nang lumitaw na ang buwaya nawala na ang pagaalala ni Maria Clara at nagsalo-salo muli sila.
SDG AT REPLEKSYON
✧Maaring ang SDG 17 iugnay sa kabanata na ito dahil sa ipanakita rito ang kahalagahan ang tao tinutulungan ang isa’t-isa sa mga sitwasyon na sila’y kinakailangan ng tulong o nasa panganib. Pakikipag Isa, sa pamamagitan pagsasalo-salo ng isang Piknik at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga relasyon sa isa’t-isa at pagkakaroon ng mga kwento, biro at mga alala na hindi mong makakalimutan.
Comments
Post a Comment